Nilinlang mo ako. Tanaw ang bawat liwanag na nagniningning sa kadiliman. Habang ako ay nakadungaw sa dulo ng kawalan. Dama ang malakas na pagbayo ng malamig na simoy ng hangin sa aking buong katawan. At tila ba ako ay nagpapakasasa pa rin sa aking kaligayahan. Na ang bawat pagkilos ko ay katumbas ng bawat pagkakamali ko. At kung saan man ako magtungo, alam kong ako'y mabilis na malilimot. Sinamantala mo ang pagkakataong ako ay mababa. Sinamantala mo ang mga sandaling ako ay mahina sa likod ng mga balakit na kumakaway sa aking paglakad-- nambubuska sa bawat pagbukas ng aking bibig na ang ibinubuga ay pawang kabalbalan. Sa aking pakiramdam, ako'y aping api.
Hindi ko na alam kung ito’y bulong pa rin ba. Nawalan na ako ng pandama. Na ang dating malinaw ay tila nagbago na. Ang dating halimuyak ng daloy nito ay sapat na para sumaya. At ang lasang nakasanayan ay tila nanabang na. Sa lipunang aking kinasasadlakan, isa itong seldang hindi malilimutan. Tumatawa ang imortal. Sa galak nagkakatipon, binubuklod para sa iisang isip, para sa iisang layunin. Tumatawa ang imortal. Sa insidenteng pinangangambahan ng marami ay humahalakhak; mula sa pagkakadurog ng litratong kinupasan ng pumapatak na luha. Abo ng yumaong imahe na dapat sana ay memorya. Nawala ang kahong pinagkakaingatan. Isa, dalawa, tatlo, lahat ay tila nagbago. Hindi ko na alam ang tunay na mundo. Alingawngaw ng bawat salitang bumabagabag sa aking pagkatao. Kung nasaan man ako sa paglalakbay ko, nawawalan na ng bisa ang lampara ko. Ayaw ko na ng paglalakbay. Ayaw ko na ng kadiliman. Ngunit tila ako’y nilalamon nito. Hindi ko ito malabanan. Nawala na ang pag-ibig dahil sa ak...